Naalala nyo pa ba nung nangyari ang pawang imposible na mabuo muli ang aming banda. Marami ang nagulat, marami din ang natuwa, marami din nalungkot at di matanggap na tatlo na lang kami. Mahigit dalawang taon na ang nakalipas, at marami na ding nangyari at tugtugang naganap.