⠀⠀
Lahat ng magrreply ay iddm ko. 👊🏻
— LIKE if you think I'm nice
— RETWEET if I'm one of your fav moots
— REPLY if you want to be friends/get closer
— VOTE if you have/had a crush on me
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
⠀
Uy, International Women's Day na! Nawa'y hindi lang sa mga ganitong pagkakaroon, araw o buwan lamang nakikilala ang galing at lakas ng kababaihan at ng lahat. Sana tuloy-tuloy din ang daloy ng pagtangkilik natin sa mga isyu na kaakibat ang ating mga kababaihan. 💜
⠀
⠀
Nais ko gumising nang maaga ngunit mabigat palagi ang aking katawan.
Sa oras na makabangon, tirik na ang araw.
Handa na sumindi ng panibagong kandila.
At doon nabuo ang ngiti saaking labi.
Oo nga, ako nga pala ang kandila.
Salamat nalang sa masiglang araw.
⠀
⠀
Palaging itrato ang bawat pag-uusap na parang ito na ang huling beses. Tsaka lang naman natin nabibigyang halaga kapag wala na kaya habang nandyan pa, huwag sana sayangin ang oras na dumadaloy.
⠀
⠀
Halatang may pinaplano ang binata bago niya inilagay ang isang kamay sa likod, dahan-dahang yumuko na parang prinsipe bago nagpakita ng isang matamis na ngiti sa mambabasa.
‘‘Maari ka bang isayaw sa ilalim ng buwan at bituin?’’
⠀
⠀
Abante babae! 💜 Para sa ingklusibong komunidad at para na rin sa ating bayan. At mas lalo para sa mga kababaihang may taglay na talino, lakas, at tatag na siyang nagpapalakas ng boses ng bawat isa.
Tayo ang simula, hindi ba?
⠀⠀⠀⠀
⠀
Sana hindi lang ako ang nakararamdam pero ang lungkot ng dating ng hangin saakin. Parang nakakapagod ito bago pa natin simulan. Kahit umaga, ito parin ang aking kalaban.
Hindi ko alam. Ah, basta nalang talaga.
⠀
⠀
Bago tayo tuluyang magpahinga, gusto ko lamang sabihin na naniniwala ako sa'yo. Ginalingan mo at sana alam mo na magaling ka kahit ano pa man ang sabihin ng iba.
Mananatiling ipagmamalaki ang husay at pagsisikap na inalay mo.
Proud ako sa'yo. 👏🏻
⠀
⠀
Buhay pa naman at nairaos ko ang linggo na ito. Sa apat na tasa ng kape, tatlong oras ang tulog at hindi pagkain sa tamang oras, salamat nalang ang tangi kong masasabi. 😅
⠀
Hello there, user inkedvrs! I've been seeing you in my timeline and your presence has not gone unnoticed, the charm of your… — Nakakabighani ba talaga mga mapaglarong salita ko? 🧐 Dudang-duda talaga sa sarili eh hahaha pero pakilala ka na, anon!
@inkedvrs
🧸: Very approachable moot vibe! Iono how to say it, but you’re a very mabango na moot.
🍒: 1/10
☁️: Ulan, Ayn
🦋: I admire how you post your thoughts. It’s been a while since I saw someone post a full Tagalog tweets.
⠀
‘‘Mas mainam na subukan mo muna para malaman mo rin,’’ ani nito, hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Sa bawat galaw na ginawa ni Javi ay inalalayan niya ito. 'Tila hindi niya pa mapigilan ang kanyang tuwa at may taong tumanggap ng kanyang kamay.
⠀
ㅤ
ㅤ
❝ Kung marunong kang sumayaw. ❞
Banggit nito na may halong tukso. Ngumiti ito habang nilagay ang palad sa kamay ng binata at hinawakan ito nang dahan-dahan upang hilahin ito patayo. . .
ㅤ
ㅤ
hello, verses! this is random, but i swear that it is genuine and true. i've read your work na already, and even the random… — Pagbati, Jade! Ang ganda naman masyado ng mga piyesa ko dahil sa'yo pero salamat. Ang ganda nga naman nito sa pakiramdam. Sa…
⠀
‘‘Kahit walang kasiguraduhan na magtutugma ang kanta saating isipan?‘‘ Pabiro nitong tinanong kay CJ. Hindi niya rin maiwasan tumawa nang kaunti dahil doon.
Hinawakan kagad ni Verses ang kamay ng dalaga at dinala sa ilalim ng ilaw ng poste—
⠀
Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga habang nakatanaw sa lalaking nasa harap niya at nakalahad ang palad, nag aantay ng sagot.
“Ikalulugod ko na makasayaw ka sa ilalim ng buwan at mga bituin, ginoo.” Bigkas ng dalaga bago dahan-dahang inabot ang kamay ng binata.
@aesmuseo
Siguro maliligaw tayo parehas sa pala palaruan. Mag-uunahan pa tayo sa swing na parang binalik ang oras ang pagkaisip bata natin— tila walang pinoproblemang kinakaharap at tanging iniisip lamang ay ngumiti at tumawa na walang bakas ng kasinungalingan.
@paindoura
Pakiramdam ko ayos na para sa'yo ang manood ng pelikula o kumanta sa karaoke. Kahit matulugan man natin ito o maging sintonado ang bawat nota ay labis akong matutuwa na sinamahan kita upang magsaya. Pwede na rin natin ipaikot ang baso na may laman ng kaunting pampagising.
Different anon, but I look forward to seeing your writings when you do share them! Ramdam ko na magiging maganda yon at mag… — Sana nga totoo ang sinabi mo, anon! Maraming salamat sa munting suporta. :)
⠀
Sinubukan ko tugtugin ang iyong paborito
Para na rin malaman mo na hindi ako perpekto
Ako'y nagkakamali, nawawala ngunit palagi mo nahahanap
Ganito na siguro kapag hindi mo na kaya magpanggap
⠀
@consxaints
Ang abogado ng bayan nga naman. Sana matapos mo na ang kailangan mo gawin. :) Uso pahinga, sana hindi ako magsawa na sabihin sa'yo 'yan. Pa-ikot nalang ng baso saakin kapag iinom ka man jk.
⠀
Ikaw ang huni na walang katapusan
Sana wala 'kang plano lumisan
Dahil aaralin ko pa paano tugtugin ang Antukin sa gitara
Kasi gusto ko na dito ka lang saaking tabi, bawal ka kumontra
⠀
which topic do u like writing about the most — Tungkol sa sarili ko— sa nararamdaman ko o hindi kaya kapag may nakita akong mga parirala o mga pangungusap. Kapag nagtuloy-…
@DlORNEE
Dior, my kapwa barista! Ayun ang gusto ko tungkol sa'yo. 😆 At nga pala, sana nakakapagpahinga ka nang maayos. Napapansin ko na halos hindi na rin pagpupuyat mo. Kain din sa nakatakdang oras ah? Isa ka sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
⠀
Doon siya mas nakaramdam ng tuwa sapagkat mas kita niya ang itsura ng dalaga. Aminado rin ito na siya ay nagaalinlangan na hawakan ang bewang ng dalaga kaya't kamay nalang nito ang kanyang hinawakan.
⠀
@faieury
Isa akong sakitin na tao, madali masugatan dahil minamalas o hindi kaya sinisipon kada-umaga. Sa kada-sugat, parati ka nandyan. Hawak-hawak mo naman ang makulay at may komik na bandaid para lang hindi ko isipin na mahirap mabuhay nang ganito kasi may nag-aalaga saakin.
⠀
Nakaw sa tl!
💀 - intimidating, always on tl, scared to dm or interact.
🎉 - chaotic, never shuts up, a whole circus.
🌧 - soft mutual, baby, friendly, would protect.
🖋 - lowkey crush, i wanna date you.
⠀
@cigsrift
Napansin ko na may kahiligan ka rin magsulat. Mayroon akong pagsasanay na ginagamit ang email para sa ganitong mga bagay. Maaring kuwentong gawa-gawa o hindi pero puno ng mapaglarong salita na tila mapapasayaw ka nalang sa bawat letra.
⠀
‘‘Magsabi ka lang kapag masyadong malapit,’’ dagdag nito sa oras na mahawakan niya ang bewang ng binata. Hindi parin maiwasan ipaalala sapagkat gusto niya komportable ang isa, kahit na niyakap man sila ng katahimikan ng gabi habang sumasayaw.
⠀