![ed Profile](https://pbs.twimg.com/profile_images/1584007307322880000/lsPiJn6a_x96.jpg)
ed
@FaraonEduard
Followers
5K
Following
30K
Statuses
5K
hopecore, brainrot, memes. yea i edit stuff ๐ธ๐พ๐ต๐ญ
Joined October 2017
My parish church. My senator! ๐
Good am! ๐ต๐ญ Ang pinaka malakas na makinarya na laban sa pera. Ay ang puso na handa kang ipaglaban. Bukas po, uuwi ako sa Quezon Magsisimba sa Our Lady of Lourdes Sa Iyam, Lucena City. ๐ #45HeidiMendoza
#FormerCOACommissioner
0
0
2
bohai na po olet aq
๐ฅ๐๐ฆ๐ฃ๐๐ช๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ข๐ก by Sam Torres ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ช๐ด ๐ข ๐ด๐ฆ๐ณ๐ช๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ง ๐ข๐ณ๐ต๐ช๐ค๐ญ๐ฆ๐ด ๐ข๐ฃ๐ฐ๐ถ๐ต ๐ฑ๐ข๐ด๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ, ๐ด๐ต๐ณ๐ถ๐จ๐จ๐ญ๐ฆ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐จ๐ณ๐ฐ๐ธ๐ต๐ฉ. ๐๐ฉ๐ฆ๐ด๐ฆ ๐ด๐ต๐ฐ๐ณ๐ช๐ฆ๐ด ๐ด๐ฑ๐ฆ๐ข๐ฌ ๐ต๐ฐ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฅ๐ฆ๐ฆ๐ฑ๐ฆ๐ด๐ต ๐ฅ๐ฆ๐ด๐ช๐ณ๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ง ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ๐ดโ๐ง๐ณ๐ฐ๐ฎ ๐ง๐ช๐ญ๐ญ๐ฆ๐ฅ ๐ด๐ต๐ฐ๐ฎ๐ข๐ค๐ฉ๐ด ๐ต๐ฐ ๐ด๐ข๐ต๐ช๐ด๐ง๐ช๐ฆ๐ฅ ๐ฉ๐ฆ๐ข๐ณ๐ต๐ด. Kung iyong makakalaro si Ed Faraon sa League of Legends, marahil na ang maskuladong si Braum ang gagamitin niyang champion. Pasintabi sa mga masungid na tagahanga nila Sett at Zac, ngunit hindi fighter o tank ang tipo ng gamer na ito. โHanggang ngayon naman, Iโm a support character,โ sabi ni Ed. โI find enjoyment when my teammates get the kills they need. Tapos nasa likod ako, just helping them get there.โ Bakit naman si Braum pa? โThis guy has a shield. He literally jumps forward sa carry moโand shields them from projectiles that would harm them.โ Tulad ng napakaraming Pilipino, ang mga bakbakan at kaganapan sa League of Legends ang lubos na pinagkaabalahan ni Ed noong kanyang kabataan. Subalit, kung tatanungin mo siya, may isa pang larangan na makatatapat sa kanyang hilig sa video games noong siya ay nasa high school. Ito ay walang iba kundi ang campus journalism. โI was on the broadcasting teamโฆ[tapos] na-transfer ako sa TV broadcasting,โ sabi ng produkto ng Quezon National High School. โSila Steve Dailisan at Julius Segovia ang nag-tetrain sa amin โnun.โ Kapara ng ibang campus journalist saan mang panig ng bansa, inasam ni Ed na makarating sa National Schools Press Conference (NSPC), ang prestihiyosong tagisan ng mga manunulat at mamamayag ng kinabukasan. Bagamat naabot niya ang Regional Schools Press Conference (RSPC) bilang Grade 9 student, nabigo siyang makarating sa next levelโat tila may kinalaman si Braum sa hindi niya pag-abot ng pangarap. ๐จ๐ป๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ: ๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐ด๐ผ๐ฑ ๐ป๐ถ ๐๐ฑ ๐๐ฎ ๐๐ฏ๐ฎโ๐ ๐๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ป โโNung Grade 10, the publication decided to remove meโwhich I understandโfrom the special program for journalism. At tinanggal nila ako from the broadcasting team.โ Ang dahilan: Dalawang taon nang nagkakaroon ng problema si Ed sa pagpasok. Mula pa noong siya ay nasa Grade 8, nahumaling na siya sa paglalaro ng video games. Pero, kung tutuusin, hindi lang ang libangang ito ang nagsilbing final boss sa NSPC dreams ni Ed. May iba pa siyang pinagdadaanan noong panahong iyon. โMy mother died when I was about to enter Grade 6, and then, when I was about to enter high school, nag-surface โyung depression.โ Game over na? Hindi pa. Sa mga sumunod na taon, nakahanap si Ed ng ibaโt ibang lugar kung saan siya pwedeng mag-respawn. Noong Disyembre 2017, nangahas siyang kumuha ng pagsusulit upang makapasok sa UST Senior High School. Pagdating ng Pebrero 2018, natanggap niya ang resulta: pasado. โSabi ko, Iโm going to reclaim my life,โ tanda ni Ed. โIโm going to be a new guy in Manila.โ Makalipas ang isang taon sa daigdig ng Maynila, may namataan nanaman si Ed. โNag-release ng application ang GMA News for a reporter, for Stand for Truth,โ salaysay niya. โIt was the very first digital newscast of GMA News and Public Affairs, which specialized in mobile journalism.โ Muli, humakbang pasulong ang 17-year-old sa kakaibang hamonโpamilyar na larangan, ngunit panibagong tagpuan. Natanggap siya sa Stand for Truth, kung kayaโt ang mga napapanood niya lamang dati sa telebisyon ay naging kanyang guro sa digital newscast crash course. โJessica Soho, Cara David, Sir Howie Severinoโit was like a whole four-year program condensed into one week.โ Matapos ang crash course, lumusob na si Ed sa buhay mobile journalist. Kung most memorable experience ang pag-uusapan, tumataginting ang kanyang coverage ng 2020 Taal volcano explosion. At hindi lang dahil sa panganib ng ashfall. โMemorable siya kasi I got to interview fisherfolk. They were trying to salvage whatever fish they could from their fish cages,โ kuwento ni Ed. โMemorable din siya kasi โdun ko nalaglag ung wallet ko. Bagong sahod ako โnun. Kaka-withdraw ko langโmy entire paycheck for that month.โ Ano ang kinahinatnan ng kanyang pitaka? โBalik ako sa van, tapos na โyung istorya ko, taโs kinapa ko โyung wallet ko. Bakit wala na โyung wallet ko? Eh lumalakas na โyung pagbuga [ng bulkan]. Bumalik ako sa kung saan ako nag-interview, nakita ko nandoon โyung wallet ko, โtsaka may nakakalat na Mineski card. Pagbukas ko ng wallet, wala nang laman.โ Wala nang magawa si Ed kundi magnilay-nilay. โSabi ko sa sarili ko, they probably need it more than I do.โ Spoken like a true support character, noh? ๐ฆ๐๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ ๐ ๐ฒ: ๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ Kahit may mga kapanapanabik at peligrosong mga assignment na kabilang sa trabaho niya bilang mobile journalist, hindi naglaho ang kanyang determinasyon upang maghatid ng makabuluhang pag-uulat sa sambayanan. Sa battle map ng Philippine society, katotohanan ang Nexus na pinoprotektahan ni Ed. Mahirap itong ipagtanggol, oo, pero may Guardian Angel siya. โTanda ko noon, 2015, when I was in Grade 7 or Grade 8, it was the height of Marcos disinformation. I vividly recall asking my grandmother, โMommy, ang dami namang pinagawa ni Marcos โnun eh. Bakit โdi na lang natin purihin?โ Bilang dating social studies teacher at assistant superintendent, ang lola ni Ed ay nagbigay ng simpleng tugon: โI suggest magbasa ka muna ng journals, articles, history books.โ Ito nga ang ginawa ng kanyang apo, and the restโas they sayโis history. Sa pananaliksik ni Ed, lumawak ang kanyang kamalayang panlipunan, nagkaroon ng ibang gigil ang kanyang campus journalism, at umigting ang pag-unawa sa mga kasalukuyang isyu. โโNung February 2017, prom [ko] โnun. Sabi ko, โBakit tayo masaya? Hinahabol ang isang senadora ngayon. We should be speaking out!โโ At ayun na nga ang naging misyon ng karakter na si Ed. Hindi ito laro-laro lamang, kundi ang kanyang sinserong layunin. Namayapa na ang kanyang minamahal na lola, pero hindi natitinag ang pagtindig ni Ed bilang kampyeon ng makatotohanang pamamahayag. โBahay natin itong social media,โ sabi niya. โLetโs kick them out of our houseโitong mga nagpapalaganap ng disinformation.โ Mahirap sagupain ang mga katunggali nang nag-iisa lamang. Sa kaso ni Ed, nakahanap siya ng mga kaanib na susuporta naman sa kanya: ang pangkat na kung tawagin ay Phil Kita. Tulad ng League of Legends, ang PhilKita ay binubuo ng mga indibidwal na may ibaโt ibang kakayahan. Mayroong magsasaka, propesor, chef, at filmmaker. Ang kaibigan nating si Ed? Content creator ang peg niya. Bagamat hindi na siya bahagi ng GMA bago pa matapos ang 2020, inilaan niya ang sumunod na kabanata ng kanyang buhay sa paglikha ng shortform content. Mapa-COVID 19 man o martial law years ang kanyang paksa, pakay niya na maghatid ng fact-based, accurate tidbits na makabubuti sa pag-iisip at pagpapasya ng kapwa Pilipino. Ito ang papel na nais niyang gampanan para sa PhilKita, isang grupong nananawagan sa mga Pilipino na bumoto ng mga responsable at tapat na opisyal. Para kay Ed, ang good governance ay makabubuti sa mga Gen Z na tulad niya. โHonestly, a lot of the youth are feeling jaded about politics. We just wanna afford rent, we just wanna afford groceries.โ Sa puntong ito, hindi mapigiang tumawa ni Ed. โWe just wanna live!โ Ilang beses nang na-drain ang HP ni Ed sa ibaโt ibang aspekto: pag-asa, payapang buhay, pati na rin pera sa pitaka. Ngunit hindi mauubos ang kanyang pagkamalikhain at pananalig sa katotohanan. Gamer at campus journalist nga, โdiba? Sa battle arena ng buhay, respawned na si Eduard Faraon.
0
2
28
RT @iMPACTPH2019: KIKO ENTERS 'MAGIC 12' IN LATEST SWS COMMISSIONED SURVEY, OVERTAKES REPORTED TOP CAMPAIGN SPENDERS IMEE, CAMILLE Formerโฆ
0
828
0
help
LOOK: President Bongbong Marcos and First Lady Liza Araneta Marcos hosted a New Year's dinner with senators and their spouses on Monday, Jan. 13. The dinner was held at Bahay Pangulo, according to the First Lady. "Here's to a year filled with unity, progress, and hope for every Filipino," the First Lady wrote | @TristanNodalo ๐ธ Liza Marcos/IG
0
8
58
RT @PakSooyoung_: So, a few month's after PNoy's 1st year into his presidency (June 2010 nagstart si PNoy), nagsulat agad sya sa Indonesiaโฆ
0
135
0
RT @kikopangilinan: I attended the concert in support of the local film industry upon the invitation of Malacaรฑang and to accompany my wifeโฆ
0
1K
0
RT @kikopangilinan: PASOK NA SI KIKO SA MAGIC 12!๐ฅณ Tuluy-tuloy ang ating arangkada sa karera sa Senado. Ayon sa pinakahuling Pulse Asia Suโฆ
0
901
0
RT @kikopangilinan: Buo ang aking suporta sa panukalang batas na nagbabawal sa scalping ng mga ticket sa concert at iba pang event, para maโฆ
0
2K
0
Push.
Senator Kiko Pangilinan is at Rank 11-14, with 36% Preference and 99% Awareness A lot more to do! Let's GO๐พ #Kiko2025
0
2
49
rebulto ng pamilya piattos sa davao city dakilang hero of the battle of confidential funds
Who is Mary Grace Piattos? Where is she? OVP disbursing officer Gina Acosta says she doesn't know where she is because it wasn't her who accomplished the receipts. Acosta, however, says there are people whose surname are "Piattos" in Davao City.
0
2
25